Ang Dagang Mahilig sa Keso, si BUBWIT (MAIKLING KWENTO)
"Ang Dagang Mahilig sa
Keso, si BUBWIT"
Si Bubwit ay isang kyut na daga.
Mahilig siya kumain ng keso. Ito ang paborito niyang pagkain.
Malaki ang sweldo ng tatay ni
Bubwit. Sa isang pabrika ng keso ito nagtatrabaho.
Ang keso ay mura ipinagbibili sa
mga manggagawa ng pabrika. Ito ang dahilan kaya laging may pasalubong na keso
ang ama kay Bubwit.
Marami ang naiinggit kay Bubwit.
Lagi siyang may bagong keso sa pagpasok sa eskwela. "Heto tikman
ninyo", alok nya sa mga kaklase.
Mahal na mahal si Bubwit ng ama
at ina. Lahat ng gusto nya ay ibinibigay ng mga ito "Isukat mo. Binurdahan ko ito para sa
iyo".
"Inay, ang
ganda po ng sumbrerong ito. Salamat po," sabi ni Bubwit. "Isuot mo
ito sa kaarawan mo, ha?" sabi ng nanay niya.
Masarap ang buhay ni Bubwit.
Hindi problema ng pamilya niya ang pera. Nakakain niya ang lahat ng kesong
gusto niya.
Natutuwa naman ang mga magulang
ni Bubwit sa kanya. Nag-aaral kasi siyang mabuti. Matataas ang kanyang marka.
Ang akala n Bubwit ay walang
katapusan ang ligaya. Hanggang isang araw ay umuwing malungkot ang kanyang ama.
Natanggal ito sa trabaho.
Kailangan nilang magtipid. Iyon
ang sabi ng ina ni Bubwit. Paunti-unti na rin sila kung kumain ng keso.
Nahirapang humanap ng bagong
trabaho ang tatay ni Bubwit. Minsan inaabutan pa ito ng malakas na ulan at
nababad sa basa.
Nang gabing iyon ay nagising si
Bubwit sa tawag ng ina. "Gisingin mo ang kapitbahay natin. Dadalhin natin
sa doktor ang tatay mo."
Nagkaroon ng pulmonya ang tatay
ni Bubwit. Ang natitira nilang pera ay ipinambayad sa doktor at pambili ng mga
gamot nito.
Ubos na ang keso nila. Wala na
silang pagkain. Wala na ring pambaon sa eskuwela si Bubwit. "Okay lang po
kahit wala akong baon, Inay.”
Maraming kaibigan ang naawa kay
Bubwit. "Talagang ganyan ang buhay. Minsan ay naranasan kong kumain ng
masasarap na keso," aniya sa kaibigan.
Madiskarte ang nanay ni Bubwit.
Tumatanggap ito ng buburdahang damit upang may pagkakitaan habang inaalagaan
ang asawa.
Pagkatapos naman ng klase ay
umuuwi agad si Bubwit. Siya ang nagluluto ng kanilang hapunan. Siya rin ang
nagpapainom ng gamot sa tatay niya.
Sinikap naman ng tatay niya na
gumaling agad. "Kaya ko na ang katawan ko anak. Maraming salamat sa pag
aalaga mo."
"Pasensya na
at hindi ka nakakakain ng keso."
"Mas mahalaga po sa akin ang gumaling kayo. Pwede naman po akong
mabuhay ng walang keso."
Nang gumaling ang tatay ni
Bubwit ay muling naghanap ng trabaho. Suwerte namang natanggap ito.
"Magsisimula ka na sa Lunes."
Maayos na muli ang buhay nina
bubwit. Nalampasan nila ang mabigat na pagsubok." Inuwian kita ng keso.
" " Salamat po itay. "
Pinatunayan nila na anumang
problema ay makakayang lampasan ng isang pamilya kung sama-sama at
magtutulungan ang mag-anak.
Mga
Miyembro:
Aba,
John Michael
Alap-ap,
Margie
Baradero,
Rhoda
Brillo,
Trisha
Camingay,
Jeazel
Cuenca,
Jul Rose
Divino,
Adrian
Elloreg,
Joanna
Esponilla,
Weinzyl May
Flores,
San Mae
Friolo,
Danilo
Gantalao,
Riza Jane
Gonzales
Andrew Kyle
Comments