EPEKTO NG PANINIGARILYO SA MGA KABATAAN SA LUNGSOD NG SIBULAN, NEGROS ORIENTAL (PANANALIKSIK)
EPEKTO
NG PANINIGARILYO SA MGA KABATAAN
SA
LUNGSOD NG SIBULAN, NEGROS ORIENTAL
_______________________________________________
ISANG PANIMULANG PAG-AARAL
na
Iniharap kay
Bb.
Arlene L. Decipolo
Guro
sa Filipino
Departamento
ng Senior High
Sibulan
Science High School
Lungsod ng
Sibulan
___________________________________________
Bilang
Pagtupad sa mga Pangangailangan ng Asignaturang
Pagbasa
at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa
Pananaliksik
____________________________________________
nina
CAMILLE
BIANCA NEPHERTERRI Y. ALVARADO
ADRIAN
T. DIVINO
Abril 2017
KABANATA I
SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
Introduksyon
Sa
panahon ngayon, napakadali nang maimpluwensyahan ang mga tao. Napakadaling
sumabay sa uso ang mga makabagong henerasyon ng mamamayang Pilipino. Mabilis
nang maimpluwensyahan ang mga utak ng mga kabataan natin ngayon. Hinay-hinay
nang napapalitan ng western culture ang ating mga tradisyonal na kultura dahil
na rin sa modernisasyon. Isa na rito ang paggamit ng sigarilyo. Ayon sa
pananaliksik ni Jethro Aranas, isang BSDC 3A na estudyante, na pinamagatang
"The Impacts and Influences of Western Thoughts to Filipino Thoughts,
Psychology, and Philosopy" (2017), ang kanlurang kultura ay paulit-ulit at
patuloy na impluwensya sa buong mundo sa mga huling ilang mga siglo. Ang ilang
mga mahusay mag-isip at mga pilosopo ay pinagpalagay na ang Westernization ay
katumbas ng modernisasyon.
Ayon
sa Global Adult Tobacco Survey (GATS) Philippines noong 2009, 28% ng mga
Pilipino edad labing lima pataas ay naninigarilyo ng tabako. Halos kalahati ng
mga lalaki (48%) at 9% ng mga babae ay naninigarilyo ng tabako. Tatlumpu’t
walong porsyento ng mga lalaki ay araw-araw na naninigarilyo (11 sigarilyo kada
araw). Sa kabataan, (edad 13-15), 17% ang naninigarilyo. Maaaring masasabi
natin na napakaraming tao na ang gumagamit ng sigarilyo.
Sa
Pilipinas, ang mga kabataan ay nagsisimulang magsigarilyo sa edad na pitong (7)
taon. Nagiging regular na ang paninigarilyo sa edad na 13 hanggang 18 taong
gulang. Ang paninigarilyo ang pinakaunang sanhi ng kamatayan sa buong mundo.
Ayon sa Department of Health, isang tao kada 13 segundo, o isang milyong katao
taun- taon, ang namamatay dahil sa paninigarilyo. Ang paninigarilyo ay sanhi
rin ng mga sakit sa puso, baga,kanser, diabetes, osteoporosis at marami pang
iba. Ito din ay madalas na sanhi ng pag- atake ng hika. Ang mga naninigarilyo
ay humihina ang katawan, nahihirapang huminga, laging bumabahin at umuubo,
sumasakit ang ulo at nagbabago ang pang- amoy at panlasa. Kung ang taong
naninigarilyo ay nakakakuha ng mainstream
effects, ang taong nakakalanghap naman ng usok ng sigarilyo ang nakakakuha
ng sidestream effects. Ito ay
tinatawag na Passive Smoking. Kahit hindi ka naninigarilyo ay parang
naninigarilyo ka na rin dahil sa mga kemikal nanakukuha mo sa usok ng sigarilyo
ng taong katabi o malapit sananinigarilyo. Mas marami pa ang konsentrasyon ng
mga masamangkemikal ang nakukuha ng mga passive smokers (mga taong hindi naman naninigarilyo
pero nakatira kasama ang taong naninigarilyo) kumpara sa mga taong talagang
naninigarilyo. Ang mga ito ay makakaramdam ng pagsakit ng ulo, at pagtutubig ng
mata. Ang mga passive smokers ay may mas mataas ng 35% posibilidad na magkaroon
ng kanser. Ang mga bata o anak naman ng mga naninigarilyo ay may mas malaking posibilidad
na magkaroon ng bronchitis, pneumonia at mga sakit sa pusolalo na sa unang
taon.
ANG SULIRANIN
Ang
pangunahing layunin ng panimulang pag-aaral na ito ay upang pag- aralan at malaman
ang mga epekto ng paninigarilyo sa mga kabataan sa kasalukuyang panahon.
Paglalahad ng Suliranin
Naglalayon
din ang pananaliksik na ito na sagutin ang mga
sumusunod na tiyak na mga katanungan:
1. Ano ang
demograpikong profayl ng mga maninigarilyo batay sa mga sumusunod:
1.1
edad
1.2
kasarian
1.4
edukasyong natamo
1.5
okupasyon
2.
Ano-ano ang mga dahilan ng paninigarilyo ng mga maninigarilyo?
3. Ano ang lebel ng
paninigarilyo ng mga maninigarilyo ayon sa;
3.1 edad na nagsimulang gumamit ng sigarilyo
3.2 bilang ng sigarilyo o pakete na naubos sa isang araw
3.3 dalas ng paninigarilyo
3.4 stick ng sigarilyo na nauubos
4. Ano’ng aspeto ng buhay sa mga kabataan na
maninigarilyo ang naapektuhan ng paninigarilyo?
5. Ano ang iba’t ibang
pamamaraan ng mga maninigarilyo na kontrolin ang paninigarilyo?
KABANATA V
LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
LAGOM
Ang
pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang epekto ng paninigarilyo sa mga
kabataan sa lungsod ng Sibulan, Negros Oriental sa kasalukuyang panahon.
1.
Ano ang demograpikong profayl ng mga maninigarilyo batay sa mga sumusunod:
1.1
edad
1.2
kasarian
1.4
edukasyong natamo
1.5
okupasyon
2. Ano-ano ang mga dahilan ng
paninigarilyo ng mga maninigarilyo?
3.
Ano ang lebel ng paninigarilyo ng mga maninigarilyo ayon sa;
3.1 edad na nagsimulang gumamit ng sigarilyo
3.2 bilang ng sigarilyo o pakete na naubos sa
isang araw
3.3 dalas ng paninigarilyo
3.4 stick ng sigarilyo na nauubos
4. Ano’ng aspeto ng buhay sa mga kabataan na
maninigarilyo ang naapektuhan ng paninigarilyo?
5.
Ano ang iba’t ibang pamamaraan ng mga maninigarilyo na kontrolin ang
paninigarilyo?
KONKLUSYON
Ang mga
mananaliksik ay humantong sa mga sumusunod na konklusyon batay sa nakalap na
mga datos at impormasyon galing sa mga respondente.
1. Karamihan
sa mga kabataang naninigarilyo ay ang mga lalake. At ang mga kabataang ito ay
nasa edad 14 hanggang 22 taon na kung saan ay may mas malaking bahagdan na nasa
16 hannggang 18 taon. Sa kabuuan na 30 mga kabataang naninigarilyo, 23.33% ang sangkot sa ganitong gawain.
2. Huminto na sa pag-aaral ang karamihan sa mga
respondente.
3. Sa mga respondenteng nakuhanan ng datos, 13
ang kasulukuyang nagtatrabaho na, ang mga ito nasa pagkokonstraksyon at
pagpaparking. Karamihan sa mga ito ay kumikita ng 200-500 Php sa isang buwan.
4. Kalimitan
sa mga rason kung bakit naninigarilyo ang isang tao ay dahil impluwensya ng mga
naninigarilyong kaibigan.
5. Sa
edad labing dalawa hanggang labing apat ay nagsimula nang gumamit ng sigarilyo
ang mga kabataan.
6. Tatlo
hanggang limang pakete ng sigarilyo ang karamihan na nauubos sa araw-araw na
paggamit nito at aabot pa ito sa lima pataas na stick.
7. Nang
dahil sa paninigarilyo, ang aspeto ng buhay na naapektuhan nito sa respondente ay kaunti na lamang ang perang nilalaan para
sariling kaayusan.
8. Karamihan
sa mga nanigarilyo ay walang napapansing karamdaman sa kanilang pangangatawan.
Sa kabila nito, meron paring mga naninigarilyo na pagsasakit ng lalamonan ang
nararamdaman.
9. Kalimitan
sa mga aksyon na ginawa ng mga maninigarilyo upang subukan ang paghinto o
pagkontrol sa paninigarilyo ang umiwas sa mga naninigarilyo pero mas pabor dito
ang walang aksyon na ginawa o hindi sinubukang ihinto paninigarilyo.
REKOMENDASYON
Batay sa isinagawang pag-aaral, iminumungkahi ng mga
mananaliksik ang mga sumusunod:
1.
Dapat ipatuloy at paigtingin ang mga programa ng Kagawaran ng Kalusugan na
nakabubuti sa kabataan tulad ng palaro sa mga barangay, nang sa ganon ay
matigil ang kanilang bisyo sa paninigarilyo.
2.
Ang mga kabataan ay dapat sumali sa mga gawain sa kanilang barangay na
nagtataguyod ng mga aktibidad sa sports upang ang atensyon ng kabataan ay
malilipat sa sports kaysa gumamit ng sigarilyo.
3. Dapat may isang orientation na
gagawin sa mga kabataan at kanilang mga magulang tungkol sa mga posibleng
epekto ng paninigarilyo sa kalusugan ng isang tao.
4. Sa mga susunod na mga mananaliksik,
payabungin ng husto ang pananaliksik na ito upang makatuklas ng mga karagdagang
impormasyon na maaaring magamit ng mga tao lalong-lalo na sa sangkot ng
pananaliksik na ito.
Comments