URI NG MGA DATOS (PANANALIKSIK)

 Mga uri ng datos

1. Hanguang praymarya
Kung saan and datos o ideyang kinalap ay nanggaling mismo sa direktang hanguan o indibidwal, awtoridad o organisasyon (mapamahalaan man o pribado).

2.  Sekundaryang hanguan
Tumutukoy sa mga hanguang aklat, artikulo, ang mga naunang pag-aaral na tesis, desertasyon, pananaliksik, mga manwal, at iba pa.
    

.... maaaring makuha sa pamamagitang ng online o print.
  1. general reference works (encyclopedia, diksyunaryo at iba pang hawig nito)
  2. Library catalog
  3. Indexes at databases
  4. Search engines and subject directories
3. Online o hanguang elektroniko
... maaaring maituring na primarya o sekundarya, depende sa uri mismo ng materyal paggagamitang ng impormasyon.


Pro-quest Central O Academic Search Premier.
...ang sumusunod na dapat tandaan ng mga
mananaliksik sa mga online na aspeto

Domain ng mga hanguang online
  1. .com (komersyal) – ang sites na ito ay ipinatatakbo ng mga mangangalakal
  2.  .edu(edukasyunal)--- ang mga sites na ito ay ipinatatakbo ng mga kolehiyo o unibersidad o mga nasa akademya
  3. .gov (gobyerno) –ang ganitong sites ay ipinatatakbo ng mga sangay ng gobyerno
  4. .org (organiasyon) –ipinatatakbo ng sites na ito ang mga nonprofit na grupo o organisasyon.
Paalala sa pagpili ng impormasyon
  1. Dapat ang impormasyong makukuha ay maipaliwanag ng maigi at nasuportahan ng mga ideya.
  2. Ang impormasyon sa website ay hindi naa-access at nae-edit ng kung sino lamang.
  3. Isaalang- alang ang kredensyal ng sumulat/website at kung wala bang pagkiling sa ideya.

Pamamaraan ng Pangangalap ng Datos
  1. Sarbey-maituturing na hanguang primarya kung ito ay aktwal na isinagawa ng mga mananaliksik. Sekundaryang hanguan naman kung ito ay ginawa ng mga naunang pananaliksik at gagamitin na lamang bilang batayan.   
 
Pamamaraan sa pagsasagawa ng sarbey
  1.  Pag-iinterbyu
  2.  Sensus
  3.  Questionnaire, at iba pa.
 Interbyu
  • Pangangalap ng datos sa pamamagitan ng kumbersasyon o ng pagtatanong ng ilang mga punto na nauukol sa paksa ng pananaliksik.
  • Matatagpuan sa kwalitatibong pananaliksik na mapapanahong papel.
Bradley at Harrell (2009),… madalas na harapan o sa pamamagitan ng isang telepono nagaganap ang interaksyon.


Open-ended na katanungan
  • Hindi malimitahan ang sagot ng mga respondante.
  • Maaring makapgdulot ng mga kalituhan sa mg baguhang mga mananaliksik.
Survey- questionnaire
  1. Isang tiyak na katanungang maaring maisagawa sa pamamgitan ng isang papel at panulat, web, o interbyu na may sinusunod na iskrip.
  2. Madalas na ginagamit sa mga deskriptib sa pamamagitan ng:
  • pagkuha ng preperensya 
  • pananaw,
  • opinyon ng mga respondante tungkol sa paksa ng mapanahong papel

Ang sarbey sa sitwasyong mapanahong papel ay nasa anyong deskriptib o analitikal.
…maisagawa sa isang talatanungan 

 
Mga Dapat Tandaan:
  1. Dapat na sasapat sa populasyon ng pananaliksik ang mga respondanteng mapipili.15%- 20% 
  2. Nararapat na structured ang mga katanungan. 
  3. Nararapat na ang mga katanungan ay closed-ended.
  4. Iwasang gumamit ng mga open-ended na mga katanungan tulad ng 9-10 sa pagkuha ng porsyento. 
  5. Ang mga katanungang tulad ng income, pagdodroga at iba pang sensitibong katanungan ay dapat nasa hulihang bahagi.
  6. Ang sarbey na katanungan ay dapat may nakalakip na liham pahintulot sa mga respondante.
Dapat nakasaad ang mga sumusunod:
Layunin ng pananaliksik
Paksa ng pananaliksik
Kasiguraduhan ng kumpidensyaliti ng mga datos at sa mga impormant

7. Tiyakin na maayos ang gramatika, instruksyon sa pagsagot ng talatanungan…
8. Ipaaproba muna sa guro bago ito ipamahagi…


Tabular
Tekstwal


Comments

Popular posts from this blog

NORSU HYMN LYRICS - NORSU: Our Pride, Our Hope, Our Future

Ang Dagang Mahilig sa Keso, si BUBWIT (MAIKLING KWENTO)