Mga bahagi at mga sangkap ng isang maikling kuwento
Mga bahagi at mga sangkap ng isang maikling kuwento
1. Simula
Kabilang sa
simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin. Sa mga tauhan nalalaman kung sinu-sino ang magsisiganap sa kuwento
at kung ano ang papel na gaganapan ng
bawat isa. Maaaring bida, kontrabida o suportang tauhan. Sa tagpuan nakasaad ang lugar na
pinangyayarihan ng mga aksyon o mga insidente, gayundin ang panahon kung kailan
naganap ang kuwento. At ang bahagi ng suliranin
ang siyang kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan.
2. Gitna
Binubuo ang
gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na kasiglahan ang naglalahad ng
panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. Ang tunggalian naman ang bahaging
kababasahan ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban
sa mga suliraning kakaharapin, na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa
kalikasan. Samantalang, ang kasukdulan
ang pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang
katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
3. Wakas
Binubuo ang
wakas ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan
ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa
maigting na pangyayari sa kasukdulan. At ang katapusan ang bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng
kuwento. Maaaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo. Gayunpaman, may mga
kuwento na hindi laging winawakasan sa pamamagitan ng dalawang huling nabanggit
na mga sangkap. Kung minsan, hinahayaan ng may-akda na mabitin ang wakas ng
kuwento para bayaang ang mambabasa ang humatol o magpasya kung ano, sa palagay
nito ang maaaring kahihinatnan ng kuwento.
Balangkas ng Pagsusuri
A. Pamagat:
May-akda:
B. Balangkas
ng mga bahagi at sangkap ng kuwento
1. Simula
a. mga tauhan
at papel na ginampanan
b. mga tagpuan
at oras
c. suliranin
2. Gitna
d. saglit na
kasiglahan
e. tunggalian
f. kasukdulan
3. Wakas
j. kakalasan
h. katapusan
C. Impresyon
1. Bisa sa isip
2. Bisa sa
damdamin
3. Bisa sa
kaasalan
D. Buod ng
kuwento
Comments